PINAPLANO na ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatayo ng marami pang cold storage facilities.
Kasunod ito sa isyu ng overproduction at postharvest lose na naiulat kamakailan.
Kaugnay nito ay sinabi na rin ng DA na paiigtingin pa nila ang Kadiwa program upang maiwasan ang mga tagapamagitan at para direktang madala ng mga producer ang kanilang produkto sa mga konsyumer.
Samantala, isasaprayoridad ng DA at Office of the Presidential Assistant for Mindanao-Eastern (OPAMINE) ang pagpapaunlad sa Eastern Mindanao sa larangan ng agrikultura.
Ayon kay Leo Magno ng OPAMINE, nakikita ng DA na isa sa malaking supplier ng agri products ang Mindanao kung kaya’t nababagay lang din itong tutukan.