Marbil sa mga tauhan ng PNP: Suportahan si General Torre bilang bagong PNP chief

Marbil sa mga tauhan ng PNP: Suportahan si General Torre bilang bagong PNP chief

NANAWAGAN si outgoing PNP Chief General Rommel Francisco Marbil sa mga tauhan nito na suportahan si incoming PNP Chief Police Major General Nicolas Torre III.

Kasunod ito ng anunsiyo ng Palasyo kay Torre bilang susunod na pinuno ng Pambansang Pulisya.

Ipinakikiusap ni Marbil sa buong hanay ng PNP na ibigay ang kanilang buong suporta sa bagong liderato nito.

Naniniwala si Marbil sa kakayahan ni Torre na pamunuan ang PNP ng may prinsipyo at malinaw na direksiyon.

“Si PMGen Torre ay isang masipag, subok na at may matatag na prinsipyong opisyal. Buo ang aking tiwala na kanyang ipagpapatuloy ang pamumuno sa PNP nang may integridad at malinaw na direksyon. Hinihikayat ko ang bawat pulis at kawani ng PNP na ibigay sa kanya ang parehong suporta at kooperasyon na inyong ipinagkaloob sa akin,” ayon kay outgoing PNP Chief General Rommel Francisco Marbil.

Naging kontrobersiyal ang pangalan ni Torre dahil sa mga diumano’y mapangahas na mga hakbang nito at ilegal na aksiyon una na sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) nang kubkubin ng limang libong pulis ang compound nito sa Davao City.

Pinangunahan din nito ang operasyon sa itinuturing na ilegal na pag-aresto at pagpapadala sa ICC facility sa The Hague, Netherlands sa umano’y Crime against Humanity sa ilalim ng Drug War campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble