Marck Espejo, maglalaro sa 2023 Korean V League

Marck Espejo, maglalaro sa 2023 Korean V League

NAPILI si Marck Espejo ng Incheon Korean Air Jumbos na 3-time defending champions sa Korean V League para sa 2023 Korean Volleyball Federation (KOVO).

Si Espejo ang masuwerteng nakuha na maglalaro sa Korean V League mula sa 4 na Pinoy athlete na kasama sa 2023 KOVO Men’s Asian Quota Draft.

Ito na ang pang-apat na laro ni Espejo bilang import kung saan una siyang nagpakitang gilas sa Japan, Thailand, at sa Bahrain.

Target ng Incheon Korean Air Jumbos na makuha ang ika-apat nilang panalo sa nasabing tourneyo.

Samantala, maglalaro naman si MJ Phillips mula sa Petro Gazz Angels bilang import sa Gwangju AI Peppers sa Korean V League.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter