IMINUNGKAHI ngayon ni Rep. Rodante Marcoleta kay Rep. France Castro na huwag na muna itong maging congresswoman, mag-auditor na lang muna ito.
“Palagay ko ay dapat mungkahi sa kanya [France Castro] na mag-resign na member sa Congress at kung sakaling siya’y tatanggapin na COA auditor ay saka po siya mag-audit, ‘yun po tatanggapin ko ‘yun.”
“Kung saka-sakali, siya po ay i-hire ng COA at nakita nilang pinakamagaling mag-audit okay na po sakin ‘yun pero wag ka munang maging congresswoman [France Castro], mag-auditor ka na lang muna para ‘yung gawain natin nasa mandato,” ayon kay Rep. Rodante Marcoleta.