NAGSAGAWA ang “Marcos Alis Diyan Movement” ng protesta sa Plaza Miranda sa Maynila kasabay ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw, Hunyo 12, 2024.
Ang nasabing grupo ay binubuo ng iba’t ibang sektor kabilang na ang mga kababaihang Muslim.
Nais nila na bumaba na sa puwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa pagsasawalang bahala nito sa mga pangunahing isyu na kinakaharap ng mga Pilipino.