NAGIGING inconsistent na ang pamahalaan hinggil sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.
Noong ilegal na pinaaresto si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ayon sa law expert na si Atty. James Reserva sa panayam ng SMNI News, agad-agad itong inilipad sa ICC na kung iisipin ay mistulang may kapangyarihan pa ang naturang korte sa Pilipinas.
Ngunit ngayong hiniling doon ng kampo ni FPRRD ang isang interim o temporary release, sinabi na ng gobyerno na hindi nila tatanggapin ang dating Pangulo dahil parang nakikipagtulungan na anila sila sa ICC.
Sinabi pa ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro, hindi tatalima ang pamahalaan sa anumang kondisyon na ilalatag kaugnay sa hiling na temporary release.
Matatandaan na sinabi na rin ng geopolitical analyst na si Malou Tiquia na sobra-sobra na ang pambabastos na ginagawa ng PCO sa dating Pangulo.