PANGHULI sa walong finalists sa 19th Asian Games ang Pinay skateboarder na si Margielyn Didal.
Sa kaniyang sinalihang event, dalawang Chinese skateboarders ang nakasungkit ng gold at silver medal habang ang Japan ang nakakuha ng bronze.
Sa panig ni Didal, matatandaang nagtamo ito ng ankle fracture kung kaya’t nagpahinga muna ito ng 11 buwan.
Noong 2018 Asian Games, isa sa apat na Pinoy athletes na nakakuha ng gold medal si Didal.