PINANGANGAMBAHANG maulit ang Martial Law sa Pilipinas.
Ayon ito kay Dating Presidential Spokesperson at International Law Expert Atty. Harry Roque kasunod sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na puwersahang kinuha ng China ang ilang bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Roque, matagal na ang tensiyon sa WPS ngunit ngayon lang niya narinig ang salitang “annexed” at hinala niya, may ibang layunin dito si PBBM.
Samantala, sa ilalim ng Saligang Batas, maaari lamang na magdeklara ng Martial Law kung mayroong panlulusob ng isang dayuhang bansa at paghimagsikan ng mga Pilipino.
Sa usaping ito, Martial Law naman ang nakikita ni Roque na opsiyon ng administrasyon upang manatili sa puwesto ng mas matagal na panahon.
Sang-ayon naman ang Geopolitical Analyst at Historian na si Prof. Herman Laurel sa pananaw na ito ni Roque na ginagamit ang isyu sa WPS upang magdeklara ng Martial Law si PBBM.
Pangamba pa ngayon ni Laurel, tila nagiging tuta si PBBM ng mga Amerikano.