Mas ligtas na pagbiyahe, mas pinatututukan sa Office of Transportation Security

Mas ligtas na pagbiyahe, mas pinatututukan sa Office of Transportation Security

SA isang pagpupulong kasama ang mga tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) hinimok ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pamunuan na gumawa ng mga interactive na kampanya, mobile application para sa kaligtasan, at mga eksibit sa mga terminal para mas maunawaan ng publiko ang kahalagahan ng mga hakbang sa seguridad.

Sinabi rin ni Bautista na mahalaga ang pagbuo ng tiwala at pakikipagtulungan sa pagitan ng publiko at ng mga awtoridad sa seguridad. Ito rin, aniya, ang pundasyon kung saan nakasalalay ang mas maginhawa, ligtas at mabilis na paglalakbay.

“Security is not merely a precaution. It is the foundation upon which the comfort, safety and convenience of every traveler rests,” saad ni Sec. Jaime Bautista, Department of Transportation.

Hinimok din ng kalihim ang OTS na mamuhunan sa mga modernong teknolohiya sa seguridad, pagsasanay, at imprastraktura, kabilang na ang biometric identification at AI-driven threat detection. Aniya, ang pagbabago ay dapat maging pangunahing bahagi ng estratehiya sa seguridad.

Binigyang-diin ng kalihim ang mahalagang papel ng OTS sa pagpapanatili ng kaligtasan sa transportasyon. Hindi sapat na tumugon lamang ang OTS kapag may banta; kailangan nilang maunahan ito. Para magawa ito, kailangan nilang maging mas malikhain at magkaroon ng mga bagong programa na magpapataas ng kamalayan sa seguridad ng mga biyahero at mga tauhan ng transportasyon.

Ang edukasyon at pag-abot sa publiko ay mga epektibong paraan upang maunawaan ng mga tao ang dahilan ng mga protocol sa seguridad. Kapag naiintindihan ng mga biyahero, mas madali silang makikipagtulungan at hindi na nila mararamdaman na isang pasanin ang pagsunod sa mga patakaran.

“The Office for Transportation Security plays a pivotal role in this endeavor. It is not enough to react to threats, it has to stay ahead of them. To this end, the office must take the lead in initiating creative and innovative programs that expand security awareness among travelers and transportation personnel alike. Education and outreach are powerful tools that travelers understand the reasons behind security protocols; compliance becomes a shared responsibility rather than a burden,” ayon kay Sec. Jaime Bautista, Department of Transportation.

Ang Office for Transportation Security ay may mahalagang papel sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng mga pasahero at mga empleyado sa paliparan, kabilang dito ang pag-screen ng mga pasahero at bagahe, pag-iinspeksyon, at paggamit ng X-ray machines at metal detectors.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble