Mas mahabang termino ng isang PNP chief isusulong ng DILG

Mas mahabang termino ng isang PNP chief isusulong ng DILG

PINAG-aaralan ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mas mahabang termino ng isang PNP chief.

Ayon kasi sa obserbasyon ni Interior Secretary Jonvic Remulla, wala siyang nakikitang “sustainability” sa mga ipinatutupad na programa at reporma sa organisasyon.

Paiba-iba aniya ang direktiba at misyong ipinatutupad ng bawat PNP Chief na naluluklok sa puwesto at nababago na naman sa pagpasok ng bagong hepe ng Pambansang Pulisya.

Tila maliit aniya ang isang taong tenure o panunungkulan ng isang PNP chief para magawa nito ang mga magagandang programa sa kanilang hanay.

Sa ilalim ng isang bagong PNP Reform Law na gagawin ng DILG, inaasahan ang pagkakaroon ng iisang layunin, misyon, bisyon at target ang PNP at maipatutupad ito ng mahabang panahon kahit pa magpalit ng ibang pinuno ng Pambansang Pulisya.

Sa ngayon wala pang napipiling susunod na PNP chief ang Pangulo kasunod ng pagtatapos ng term extension na ibinigay sa papaalis na PNP Chief General Rommel Francisco Marbil sa darating na buwan ng Hunyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble