Mas mahigpit na seguridad sa Traslacion ng Nazareno, asahan—PNP

Mas mahigpit na seguridad sa Traslacion ng Nazareno, asahan—PNP

NAGSIMULA na ang security preparation ng Philippine National Police (PNP) para sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na nagsagawa na ng walk-through nitong Sabado ang PNP kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Fajardo, bagama’t may sinusunod silang security template sa mga ganitong aktibidad ay posible itong magbago at magpatupad ng mas mahigpit na seguridad dahil sa nangyari sa Mindanao State University sa Marawi City.

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang threat assessment ng PNP sa Traslacion upang matiyak ang seguridad ng mga dadalo sa aktibidad.

Pinag-aaralan din ng pulisya ang paggamit ng signal jammer pero nakadepende ito sa kanilang threat assessment.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter