MAS dumami ang mga bumiyahe ngayong Holy Week 2025!.
Philippines | Abril 22, 2025 – Tumaas nang malaki ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa iba’t ibang paliparan at pantalan sa bansa ngayong Semana Santa 2025, kumpara sa parehong panahon noong 2024, ayon sa ulat mula sa mga pangunahing transport authorities.
Umabot sa 1.17 milyong pasahero ang na-accommodate ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Abril 12 hanggang Abril 20, 2025, ayon sa New NAIA Infra Corp.
Mas mataas ito ng 12.7% kumpara noong Holy Week 2024.
Daily Average: 146,611 passengers
Peak Day: Easter Sunday (Abril 20) – 156,635 passengers
Samantala, iniulat ng Philippine Ports Authority (PPA) na may kabuuang 2,291,666 pasahero ang naitala sa mga pantalan sa buong bansa sa parehong petsa ng Abril 12–20.
Mas mataas kumpara sa 1,670,984 na pasahero noong 2024.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, ang pagtaas ay kaugnay ng sabayang pagdiriwang ng Semana Santa at summer vacation season.
Ang pagtaas ng bilang ng mga biyahero ay indikasyon ng unti-unting pagbabalik ng normal na travel behavior post-pandemic, at patuloy na pag-angat ng domestic at international tourism sa bansa.
Follow SMNI News on Rumble