Mataas na boto sa Duterte Youth patunay na maraming supporters si FPRRD—Cardema

Mataas na boto sa Duterte Youth patunay na maraming supporters si FPRRD—Cardema

MATAAS ang nakuhang boto ng Duterte Youth Party-list sa midterm elections.

Para kay Duterte Youth Party-list Chairman Ronald Cardema, patunay lang ito na marami talaga ang sumusuporta kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kay Vice President Sara Duterte, at sa mga kaalyado nito.

Hinggil naman sa mga naiulat na aberya sa midterm elections, sinabi ni Cardema na katanggap-tanggap pa ang mga isyung hindi agad tinanggap ng Automated Counting Machines (ACMs) ang mga balota.

Ang hindi na katanggap-tanggap aniya ay ang mga resibo kung saan iba ang nakikitang ibinoto doon kumpara sa aktwal na pinili ng mga botante.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble