NASA kustodiya na ng mga awtoridad ang isang mataas na pinuno ng komunistang teroristang grupo ng CPP-NPA-NDF matapos itong maaresto sa Cagayan de Oro City noong Hunyo 5.
Ayon sa CIDG, ang 50-anyos na suspek ay nagsisilbing sekretarya ng CPP-NPA sa rehiyon ng Far South Mindanao at kabilang sa mga pinakamataas na opisyal ng grupo sa rehiyon.
Nakumpiska mula sa kanya ang ilang armas at eksplosibo gaya ng .45 pistol, granada, mga bala, at blasting caps. Mayroon din siyang mga pekeng ID.
Ang suspek ay nahaharap sa mga kasong multiple murder at paglabag sa Anti-Terrorism Act. Siya rin ay kabilang sa mga top wanted person sa Police Regions 11 at 12.
Pinuri ng CIDG ang matagumpay na operasyon at iginiit na ito ay isang malaking hakbang sa nagpapatuloy na kampanya laban sa terorismo.