Mataas na singil sa kuryente maaaring asahan ngayong linggo—Meralco

Mataas na singil sa kuryente maaaring asahan ngayong linggo—Meralco

AYON kay Meralco Vice President Joe Zaldarriaga, inaasahan nila ang mas mataas na presyo sa wholesale electricity spot market dahil sa mahinang suplay ng kuryente noong nakaraang supply month.

Bunga ito ng hindi magandang performance ng mga planta ng kuryente.

Batay sa datos, umabot sa mahigit 1k megawatts ang pagtaas sa average na demand sa kuryente.

Ang karaniwang kapasidad na nasa outage ay halos 1K megawatts din.

Bukod pa rito, inaasahan ding tataas ang transmission charges sa billing ngayong Abril dahil sa mas mataas na ancillary service charges bunsod ng pagtaas ng reserve market prices.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble