Matataas na opisyal ng PNP, responsable sa ilegal na pagsalakay sa mga religious compound ng KOJC—FPRRD

Matataas na opisyal ng PNP, responsable sa ilegal na pagsalakay sa mga religious compound ng KOJC—FPRRD

LABIS ang pagkadismaya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginawang paglusob ng mga naka-full battle gear na Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa mga religious compound ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) nitong Hunyo 10, 2024.

Araw ng Linggo, nagpaunlak ng panayam sa media ang dating pangulo ng bansa sa Tacloban City kasabay ng National Day of Protest, Hunyo 30, 2024.

Aniya, kaibigan niya si Pastor Apollo C. Quiboloy at mahal niya ang mga pulis, ngunit hindi aniya tama ang ginawa ng mga pulis nang sirain nila ang gate ng religious compound ng KOJC sa Tamayong, Davao City.

Maliban diyan ay nilaspatangan pa nila ang sagradong lugar nang ihian at duraan nila ito na sinamahan pa ng pananakit sa mga misyunaryo ng KOJC.

“Alam mo si Pastor kaibigan ko pero ‘yung mga pulis mahal ko rin ‘yan kasi dumaan ako pagka-presidente. It so happens na may nasira kasi dapat ang ano ‘wag niyo sanang gawin na ‘yung may lock na sirain kausapin nalang sana kung hindi tawagan nalang nila ako,” ayon kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kaya bilang administrator ng KOJC gagawin ng dating pangulo ang kaniyang trabaho sa legal na paraan.

Binigyang-diin pa ng dating pangulo na ang dapat na managot sa marahas na pagsalakay ng mga pulis sa religious compounds ng KOJC ay walang iba kundi ang mga matataas na opisyal ng PNP.

Matatandaan na ilan sa mga katutubong B’laan ay naging biktima ng ilegal na pag-atake ng PNP-SAF noong Hunyo 10, 2024 sa Kitbog, Malungon, Sarangani Province.

Dahil sa abusong ginawa ng mga alagad umano ng batas sa mga religious compound ng KOJC, dalawang B’laan na ang nasawi dahil sa matinding trauma na kanilang sinapit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble