MAGSISIMULA na ang malawakang pagkukumpuni sa ilang bahagi ng EDSA sa katapusan ng Marso.
Magdudulot ito ng mas mabigat na daloy ng trapiko hanggang sa ‘ber’ months.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), uunahin sa pagkukumpuni ang EDSA Busway Northbound lane mula Balintawak hanggang Monumento kung saan papalitan ang kalsada ng mas matibay na pavement.
Dahil sa repairs, pansamantalang gagamitin ng mga bus ang katabing lane habang ang natitirang lanes ay para sa pribadong sasakyan.
Kasama rin sa proyekto ang pagsasaayos ng 15 segments ng EDSA Southbound lane at pagpapalawak ng drainage system upang maiwasan ang pagbaha.
Tinatayang magtatagal ang mga pagkukumpuni ng halos isang taon.
Follow SMNI News on Rumble