P3.9M na halaga ng marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa kanilang sinalakay na taniman o plantasyon sa Sitio Bana, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet.
Nagsanib puwersang sinalakay ng National Bureau of Investigation-Cordillera Autonomous Region at ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera ang nasabing marijuana plantation makaraang natukoy ang eksaktong lokasyon sa pamamagitan ng drone.
Nabatid na umabot sa 19,500 na puno ng marijuana ang sinira at sinunog na nakatanim sa 8,000 square meters na lupain.
Samantala, hindi naman naaresto dahil wala sa lugar ang sinasabing may-ari ng lupain na ginawang taniman ng mga marijuana at patuloy itong hinahanap ng mga awtoridad.