Men’s volleyball team ng Pilipinas, kasalukuyang nasa Taiwan

Men’s volleyball team ng Pilipinas, kasalukuyang nasa Taiwan

KASALUKUYANG nasa Taiwan ang men’s volleyball team ng Pilipinas para sa isang 10-day training camp.

Katuwang dito ng Pilipinas ang Chinese Taipei Volleyball Association.

Ayon kay Philippine National Volleyball Federation (PNVF) President Ramon Suzara, ang training camp na kanilang isinasagawa ay ang siyang pagbabatayan nila para sa sinumang pinal na makakasama bilang national team sa nalalapit na Southeast Asian Games ngayong May 5-17.

Samantala, magkakaroon naman ng iba pang training camp ang men’s volleyball team sa Osaka, Japan ngayong April 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter