BUNSOD ng mas mababang generation charge, patuloy na nakikinabang ang mga Meralco customers sa bawas-singil ngayong buwan ng Hunyo.
Para sa mga tipikal na kabahayan na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P22 na kabawasan sa kanilang bill.
Bumaba ang generation charge dahil sa mas mababang presyo ng kuryente mula sa mga Power Supply Agreement (PSA), Wholesale Electricity Spot Market (WESM), at Independent Power Producers (IPP).
May naitala ring karagdagang bawas sa ibang singil, kabilang ang buwis.
Samantala, hinakayat din ng Meralco ang mga kwalipikadong kustomer nito na mag-apply sa Lifeline Rate program upang makakuha ng diskuwento sa kuryente.
Para naman sa mga senior citizen na 60 taong gulang pataas, maaari silang mag-apply upang makakuha ng 5% discount sa kanilang Meralco bill, basta’t hindi lalampas sa 100 kWh ang buwanang konsumo.
Hindi naman kwalipikadong tumanggap ng discount ang mga nakatira sa condominuim, subdivision, at ang mga may mga violation sa kanilang mga account.