Mga bilanggo ng BuCor sa buong bansa, maayos at ligtas sa gitna ng Bagyong Carina

Mga bilanggo ng BuCor sa buong bansa, maayos at ligtas sa gitna ng Bagyong Carina

NILINAW ng Bureau of Corrections (BuCor) na nananatiling nasa heightened alert pa rin ang Operating Prison and Penal Farms (OPPF) sa buong bansa, kasabay ng paghagupit ng Bagyong Carina.

Kasabay niyan ay kinumpirma ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na ligtas ang lahat ng mga bilanggo mula sa pananalasa ng nasabing bagyo.

Tanging ang perimeter fence lang aniya sa Medium Security Compound sa Correctional Institution for Women ang bahagyang napinsala pero agad itong nakumpuni para matiyak ang seguridad at pagbabantay sa mga bilanggo.

Kabilang sa mga piitan na pinamamahalaan ng Bucor ay:

*New Bilibid Prison sa Muntinlupa City

*Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City

*Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan

* San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City

* Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro

* Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte at

* Davao Prison and Penal Farm

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble