Mga Caviteño buo ang suporta sa plataporma ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy

Mga Caviteño buo ang suporta sa plataporma ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy

ALL-out ang suporta ng mga taga-Cavite sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa Senado.

Kabilang sa mga plataporma ng Butihing Pastor ang paglaban sa korapsiyon, pagsusulong ng kapakanan ng mamamayan, at pag-unlad ng bansa sa isang malinis na pamahalaan.

Ayon sa mga residente ng Brgy. Kaingen, Kawit, Cavite, matatag ang paniniwala nilang mabuting tao si Pastor Quiboloy at ang hangad nito ay kabutihan para sa buong bansa—sa kabila ng mga kontrobersiyang kinahaharap nito sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Hinahangaan nila ang mga nagawa ng Pastor kahit hindi pa ito opisyal na nanunungkulan sa Senado.

“Hindi niya magagawa ‘yan sa dami ng tinutulungan. Unang-una ‘yung mga sakuna, andami, nakikita ko ‘yan lagi sa SMNI Channel. Nakita ko ‘yun lahat, mga bus-bus, nagdadala ng mga pagkain, andaming natutulungan, tapos inabuso pa si Pastor. Hindi ako naniniwala nangri-rape si Pastor, hindi ako naniniwala kasi kung may ganyan na kaso si Pastor, hindi ‘yan susuportahan ni Tatay Digong. Nakikita ko kay Pastor na matulungin talaga siya,” ayon kay Danny Lindayao, supporter.

“Hindi ako naniniwala na magagawa ‘yan ng ating Butihing Pastor. Andaming tinutulungan ni Pastor, sa mga taga-Davao para mapaganda ang buhay nila, para mapalapit ang kalooban nila sa Panginoon. Tapos ganun lang ang gagawin nila sa ating Pastor. Kaya hindi talaga kapani-paniwala ang mga binibintang sa kanya. Gawa-gawa lang nila ‘yan para mapabagsak ang dating pamahalaan ni Pang. Duterte,” wika ni Bal Saladaga, supporter.

Mga suliranin sa bansa, matutugunan kung “Tatak Duterte” ang mauupo sa puwesto—Caviteños

Suportado rin ng mga taga-Cavite ang buong PDP line-up, lalo na ang mga kandidatong inendorso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na anila’y may kakayahang ipagpatuloy ang mga programang sinimulan nito.

“Si PRRD, andami niyang magagandang ginawa dito sa Pilipinas. No. 1 na ‘yang war on drugs, ‘yung mga drug lords na napahinto niya, andaming nahuli, tapos nilalabanan niya ‘yung oligarchy. Andami niyang ginagawa na nakakaganda sa atin,” ayon kay Bal Saladaga, supporter.

Naniniwala silang ang pag-upo ng “Tatak Duterte” candidates sa Senado ay magiging daan sa tunay na pagbabago at pagtugon sa mga pangunahing isyu sa bansa.

“Straight vote ako dyan, lahat ‘yan iboboto ko. Kasi pag yan ang nakapasok sa Senado, talagang magbabago ang Senado, wala nang bias,” saad ni Danny Lindayao, supporter.

“Tatay, alam ko nandiyan ka sa malayong lugar, hindi ka namin mapuntahan. Lahat ng iniendorso mo dito, straight kami—lahat ‘yan. Hindi namin sasayangin para may pagbabago na ang bansa natin,” aniya.

Sa papalapit na halalan, malinaw ang paninindigan ng mga Caviteño—nais nilang ihalal ang mga kandidatong may tunay na malasakit sa bayan, matapang sa paglaban sa katiwalian, at may kakayahang ipaglaban ang kapakanan ng bawat Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble