CEBU CITY – Isa-isang inilatag ng mga tumatakbong alkalde ng Cebu City ang kani-kanilang mga plataporma sa isinagawang Mayoralty Forum ngayong hapon sa Golden Prince Hotel and Suites, sa isang pagtitipong inorganisa ng Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI).
Dumalo sa forum ang limang mayoralty candidates:
Incumbent Mayor Raymond Garcia
Councilor Nestor Archival
Businessman Julieto Co
Former Customs Commissioner Yogi Ruiz
Ang forum ay naging pagkakataon upang direktang mapakinggan ng business sector ang mga plano ng mga kandidato para sa ekonomiya, kalusugan, imprastraktura, at good governance ng lungsod sa susunod na tatlong taon.
Kabilang sa mga napag-usapan ay ang pagpapatuloy ng mga infrastructure projects, digital transformation sa local governance, mas maayos na traffic management, at pinalawak na suporta sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Samantala, binigyang-diin naman ni Mike Rama ang pangangailangang ibalik ang disiplina at sigla sa lungsod, habang si Archival ay nagtulak para sa green infrastructure at mas malawak na civic participation.
Ang mga independent candidate tulad nina Julieto Co at Yogi Ruiz ay humakot din ng atensyon matapos ihayag ang kanilang mga inobatibong mungkahi sa pag-resolba sa mga isyu sa korapsyon at red tape.