Mga kaso laban sa agri smugglers, hoarders, ihahain na—ES Bersamin

Mga kaso laban sa agri smugglers, hoarders, ihahain na—ES Bersamin

IHAHAIN na ng gobyerno ang mga kaso laban sa smugglers at hoarders ng agricultural products.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod ng banta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na bilang na ang araw ng mga smuggler at hoarder.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes na ang mga ito ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga agri product kaya inatasan nito ang Department of Justice (DOJ) na bumuo ng task force laban sa smuggling.

Ayon naman kay Bersamin, ang pagkakakilanlan ng kakasuhang smugglers at hoarders ay natukoy mula sa Intelligence reports ng gobyerno.

At ang ilan aniya dito ay napangalanan na noon pang nakaraang administrasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble