ILANG araw bago magbukas ang mga paaralan sa buong bansa, patuloy pa rin ang kasundaluhan ng 98th Infantry “Masinag” Battalion ng 5th Infantry “Star” Division sa pakikiisa sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at organisasyon sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2023.
Pinamunuan ni SSG Renievon Saliw-an ang Charlie Company ng 98IB ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa Cagyalan ES sa Caglayan, Kabugao, Apayao.
Hindi naman pinalampas ng Bravo Company ang pagkakataon na makatulong kaya nakiisa ang tropa ni SSG Romeo dela Cruz para iparamdam ang “Bayanihan Para sa Matatag Na Paaralan” sa Lenneng ES ng nabanggit na bayan.
Isang squad din ng Bravo company ng 98IB ang pinamunuan ni Cpl. Robert Baluyan kasama ang Parents Teachers Association (PTA) at guro ng Taracay Primary School sa Lenneg, Kabugao, Apayao.
Samantala sa Brgy. Madduang, Kabugao, pinamunuan ni SSG. Rodolfo Marzan ang isang grupo ng 98IB kasama ang BFP Kabugao sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela ng nasabing lugar.
Naniniwala ang Startroopers na ang inilaang puhunan sa edukasyon ay puhunan para sa maunlad at mapayapang kinabukasan at ito ang magdadala sa isang lipunang malaya sa takot dulot ng insurhensiya.