Mga katutubo lubos ang pasasalamat sa ambag ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanilang sektor

Mga katutubo lubos ang pasasalamat sa ambag ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanilang sektor

IPINARATING ng mga katutubo ang kanilang lubos na pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Kasabay ito ng ikalawang taong anibersaryo ng pagtanggap nila kay Pastor Apollo bilang Datu Tud Labun.

Ayon kay Datu Joel Unad, Chairperson ng Municipal/City Indigenous Peoples’ Council for Peace and Development (MIPCPD), si Pastor Apollo ang nagbigay sa kanila ng plataporma upang mapakinggan ang kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng SMNI.

Kilala si Pastor Apollo sa pagsulong at pagtatanggol ng karapatan ng mga katutubo.

Lalo sa pagpapalaya niya sa mga ito mula sa galamay ng mga terorista’t rebeldeng grupo na CPP-NPA-NDF.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging malapit ni Pastor Apollo sa mga katutubo dahil naging parte ito ng kaniyang buhay lalo na sa kaniyang kabataan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble