KANSELADO ang mga klase ngayon sa ilang lugar sa bansa dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Agaton.
Kabilang sa mga nagkansela ng klase ay ang lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Maasin City, Southern Leyte Province, Tacloban City; Aguiuan, Eastern Samar at Naval Biliran.
Maging ang trabaho sa pribadong kumpanya at government offices sa mga nasabing lugar ay suspendido rin.
Maliban lamang sa Eastern Samar na government office lamang ang kakanselahin.
Samantala, suspendido rin ang klase para sa elementary school sa Lapu-Lapu City at Ormoc City.
Samantala, umabot na sa mahigit apatnapu’t limang libong indibidwal ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Agaton.
Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Center o NDRRMC, mahigit sa tatlumpu’t walong libong pamilya ang apektado partikular na sa Visayas at Mindanao.
Mula sa naturang bilang, mahigit sa dalawampu’t tatlong libong pamilya naman ang lumikas.
Sa ngayon, nasa 3,228 na pamilya ang nasa evacuation centers, habang nasa dalawampung libo ang nasa labas.