Mga labi ng mga Pinoy na nasawi sa Canada inaasikaso na ang repatriation

Mga labi ng mga Pinoy na nasawi sa Canada inaasikaso na ang repatriation

INAASIKASO na ng Philippine Consulate General sa Canada ang repatriation o pagpapauwi ng mga labi ng mga Pilipinong nasawi sa Lapu-Lapu Festival sa Vancouver.

Tumangging pangalanan ng mga awtoridad ang mga biktima ngunit kumpirmadong may ilang Pilipino sa 11 nasawi sa aksidente noong Abril 26, 2025.

Sinampahan na rin ng 8 counts ng second-degree murder ang suspek sa insidente na si Kai-Ji Adam.

Matatandaan na sinalpok niya gamit ang kaniyang sasakyan ang isang grupo ng mga tao sa mismong araw ng Lapu-Lapu Festival.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble