Mga magagaling na atletang Pinoy, sasabak sa 2024 National Age Group Triathlon sa Enero

Mga magagaling na atletang Pinoy, sasabak sa 2024 National Age Group Triathlon sa Enero

SASABAK ngayong Enero ang mga magagaling na atletang Pinoy sa National Age Group Triathlon (NGAT).

Itinakda ang torneyo sa Enero 27 hanggang 28 sa Subic Bay Freeport sa Olongapo, Zambales.

Kabilang sa mga event ay ang super sprint distance, sprint distance, standard distance individual at team relay, at super trikids.

Ang naturang tournament ay inorganisa ng Triathlon Philippines at magsisilbing qualifying race para sa 2025 Southeast Asian Games (SEA Games) na gaganapin sa Thailand.

Kabilang sa mga Sprint Elite Champions noong naraang taon ay sina Fernando Jose Casares, Raven Faith Alcoseba, Dayshaun Ramos, at Kira Ellis.

Sa mga atletang gustong sumali, itinakda ang deadline hanggang sa Linggo, Disyembre 31.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble