Mga nagtitinda na sumusunod sa MSRP ng baboy ‘di pa aabot sa 10%—DA

Mga nagtitinda na sumusunod sa MSRP ng baboy ‘di pa aabot sa 10%—DA

MAS palakasin pa ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price (MSRP) sa karneng baboy. Ito ang napagkasunduan ngayon ng Department of Agriculture (DA) at mga stakeholder ng industriya ng baboy.

Nag-ugat ang desisyon dahil hindi pa aabot sa 10 porsiyento ng mga nagtitinda ng karneng baboy ang sumusunod sa ipinapataw na MSRP.

Ang MSRP ng baboy ay itinakda sa P300 per kilo para sa sariwang katay na baboy; P350 per kilo para sa pigue at kasim; at P380 per kilo sa liempo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble