Mga OFW sa Thailand dinepensahan ang “No Remittance Week”

Mga OFW sa Thailand dinepensahan ang “No Remittance Week”

WALANG makakapigil sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa buong mundo na makiisa sa panawagang “No Remittance Week” bilang protesta sa hindi makatarungang pagtrato ng pamahalaan kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte—isang lider na lubos pa ring minamahal ng milyun-milyong Pilipino sa Pilipinas at maging sa ibayong dagat tulad sa Thailand.

Para sa mga OFW, isang lehitimong hakbang ang “No Remittance Week”. Giit nila—pera naman nila ito, at karapatan nilang ipahayag ang kanilang saloobin sa paraang—sa tingin nila—ay mas maririnig ng gobyerno.

Right naman ‘yun ng mga OFWs. Pinapakita nila ‘yung pagtutol nila sa ginawa nilang hindi makatao, pagtrato, at hindi naaayon sa Konstitusyon na pagkuha kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. And with that, pinapakita ng mga OFW, hindi lang dito sa Thailand kundi sa buong mundo, kung gaano kalakas ang boses ng tao. Kasi ika nga, ang boses ng tao, ‘yan ang boses ng Panginoon. Dapat makinig sila,”saad ni Kim Ucang, OFW in Thailand.

Para malaman ng gobyerno na hindi tayo basta-basta papayag sa kahit anong gusto nila. That is how we love former President Rodrigo Duterte. Gusto natin ipakita na ganito kalakas ang mga OFW, hindi lang dito sa Thailand kundi sa buong mundo,” ayon kay Jibb Otida.

Hopefully, with the zero remittance of the OFWs all over the world, talagang maramdaman ng gobyerno kung ano ang campaign ng mga OFW. Especially here in Thailand, we really support this advocacy. Hopefully, everybody will unite—para lang kay Tatay Digong ito. So, campaign for zero remittance for OFWs,” wika ni Inggrid Lottuss Rojo.

“Sa totoo lang, I responded to the call of the Maisug Chapter. Nanawagan sila, ako ang unang nag-respond sa vlog ko para ipanawagan sa OFWs sa buong mundo na tumugon. Ito ang tamang panahon para magbigay tayo ng mensahe sa kasalukuyang administrasyon. Base sa pag-aaral ko ng abogasiya sa Pilipinas, dapat nila itong tugunan nang maayos dahil hindi ito sang-ayon sa batas. Maraming OFWs ang nagagalit rito—isa ako doon. Kasi hindi naman ito dumaan sa tamang legal na proseso,” ayon kay Doominador Magarin, OFW in Thailand, Political Vlogger.

“Ako, pabor na pabor ako diyan—120 percent! Kailangan magising ang pamahalaan ng Pilipinas. Kailangan nilang maintindihan na kaming mga OFW ay hindi basta-basta. Tinuring kaming ‘Bagong Bayani’, pero hindi namin maramdaman. So, sa ganitong paraan, baka sakaling makinig sila sa amin. Bring him home!” ani Christopher Eugenio, OFW in Thailand.
I think, personally, I would be able to do that. Kasi it’s a week—no remittance for a week. Usually, it’s a small thing you can do for somebody who has done so much for the country. It’s a small sacrifice. How can we say thank you to former President Rodrigo Duterte? We have to show sympathy. It will give that statement na kaming mga OFW ay may pakialam, may care kay Tatay Digong,”
Fernando Catani, OFW in Thailand.

Para naman kay Meriam Casumpong, isang OFW na nagtrabaho sa Middle East bago lumipat sa Thailand, nakalulungkot na kinailangan pa itong gawin ng mga OFW para lang maipaabot ang kanilang mensahe sa gobyerno.

Naniniwala siya na magiging isang malaking eye-opener ang kanilang protesta.

Of course, sad. Kasi, I know it can impact the economy ngayon—isang linggong no remittance. But at the same time, siguro, it’s an eye-opener para sa government. Imulat nila ang kanilang mga mata na they have to value the voices of OFWs as well,” wika ni Meriam Casumpong, OFW in Thailand.

“It really sends a strong message to the government—to hear our plea, to hear our voices. We do not align with the government’s decision to send PRRD to The Hague kasi hindi nasunod ang tamang proseso. So as a resbak to this government, we will initiate a “Zero Remittance Week”. Kapag hindi nila dininig ang hinaing ng mga OFW, we may call for a longer zero remittance. We will just encourage our families to be thrifty and manage their finances better. Hindi naman ito parusa sa gobyerno, kundi isang panawagan—pakinggan ang hinaing ng nakararaming OFW na nagmamahal kay Pangulong Duterte,” saad ni Rein D’ Freethinker, OFW in Thailand, Political Vlogger.

Ang “Zero Remittance Week” ay nagsimula nitong Marso 28 at magtatapos sa Abril 4, 2025, bilang panawagan na maibalik sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, noong 2024, umabot sa 38.34 billion dollars ang remittances ng mga OFW sa buong mundo, na may kontribusyong 8.3% sa Gross Domestic Product ng bansa.

Ayon sa mga OFW, lalo na sa Thailand, hindi sila dapat maliitin ng gobyerno. Seryoso sila—at ang lahat ng Pilipinong nagmamahal kay dating Pangulong Duterte—na makabalik na agad siya sa Pilipinas at litisin ang kaniyang mga kaso sa ilalim ng batas ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble