Mga ospital, hinikayat na huwag mag-admit ng asymptomatic at mild COVID-19 cases

Mga ospital, hinikayat na huwag mag-admit ng asymptomatic at mild COVID-19 cases

HINIHIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang mga ospital na huwag tumanggap ng asymptomatic at mild COVID-19 patients.

Ito ay upang mabigyan ng espasyo ang mga may malala at malubhang kondisyon dahil sa COVID-19.

Ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga kasong asymptomatic at mild ay dapat na i-accommodate sa mga level 1 health care facilities o sa temporary treatment and monitoring facilities.

Bukod pa rito, naghahanda na rin ngayon ang healthcare system ng bansa kung saan pinadadagdagan ng DOH ang mga ospital ng higaan para sa mga pasyenteng nangangailangan.

Sa ngayon, ayon kay Vergeire, nakikita pa rin nila ang pag-admit ng mga ospital ng mga asymptomatic at mild COVID-19 patients.

SMNI NEWS