Mga pasaway sa ipinatutupad na gun ban ngayong eleksiyon mahigit 1K

Mga pasaway sa ipinatutupad na gun ban ngayong eleksiyon mahigit 1K

BATAY sa pinakahuling datos ng National Election Monitoring and Action Center (NEMAC), nasa kabuuang 1,023 na ang naaresto sa paglabag, habang 1,019 na mga armas ang nakumpiska mula sa iba’t ibang operasyon ng pulisya at militar, kabilang na ang mga checkpoint.

Mula sa datos, nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) na may 306 indibidwal, karamihan ay mga sibilyan; sinundan ng Region 3 (Central Luzon) at Region 7 (Central Visayas).

Nangunguna naman sa mga nakukumpiskang armas ang revolver, sumunod ang pistol, mga pampasabog, at iba pa.

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na sumunod sa polisiya ng Commission on Elections (COMELEC) para makaiwas sa pagkakaaresto. Sakaling magdala ng baril o armas, tiyaking may kaukulang dokumento na makapagpapatunay na legal ang pagdadala nito.

Tatagal ang umiiral na gun ban hanggang Hunyo 11, 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble