PINAYUHAN ni Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo E. Kapunan Jr., ang mga Pilipino sa Myanmar na huwag makisali sa mga welga sa naturang bansa upang hindi madamay sa mga maaaresto.
Ito ay sanhi sa political unrest o kudeta na nangyayari sa Myanmar simula pa noong Pebrero, ngayong taon.
“And so far, we have not received any report of any Filipino being arrested or incarcerated because of the trouble in Myanmar,” pahayag ni Kapunan
Ani Kapunan, bago nag-umpisa ang mga repatriation flight ng gobyerno, nasa 1,600 ang mga Pinoy sa Myanmar.
Sa ngayon, aabot na lang sa mahigit 500 ang mga Pinoy na nananatili sa nasabing bansa.
Kaugnay nito, inihayag ni Kapunan na apektado ang mga ito dahil sa COVID-19 pandemic.
MOU sa Romania para sa ligtas na employment ng OFWs
Samantala, lumagda ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pamahalaan ng bansang Romania para sa recruitment at ligtas na working conditions ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na ang MOU ay nilagdaan nila Labor Secretary Silvestre Bello III at Romanian Embassi Chargeè d’affairs Mihail B. Silon noong nakaraang linggo bilang bahagi ng selebrasyon ng Migrant’s Workers’ Day.
Sinabi ni Bello na ang kasunduan sa pagitan ng DOLE at ng Romanian Ministry of Labor and Social Protection ay makatutulong upang palakasin pa ang bilateral relations tungkol sa labor, employment at social protection sa pagitan ng Pilipinas at Romania.
Siniguro naman ng Romanian ambassador na ligtas, at disente ang Romania sa mga OFWs.
(BASAHIN: Pilipinas, nanawagan sa Myanmar na sumunod sa human rights declaration ng ASEAN)