NAWAY maging ehemplo ng pagpapakumbaba, kapayapaan, at katatagan ang mga Pilipinong Muslim.
Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasabay ang ipinagdiriwang na Eid’l Fitr ngayong Miyerkules, Abril 10.
Kasabay nito ay umaasa rin si Pangulong Marcos na magkakaisa ang mga Pilipino kahit pa magkaiba ang mga paniniwala nito.
Ang pagkakaisa ay susi aniya tungo sa mas progresibong bansa.