Mga politiko hindi papayagang mamahagi ng AKAP cash aid

Mga politiko hindi papayagang mamahagi ng AKAP cash aid

IPINAGBABAWAL ang mga politiko na makilahok sa aktuwal na pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Ayon ito mismo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) batay sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng programa na nilagdaan noong Abril.

Tanging ang disbursing officers lang ang pinapayagang hahawak ng pera upang maiwasan ang impresyon na galing sa mga politiko ang binigay na tulong.

Pinapayagan namang manood ang mga lokal government official sa pamamahagi.

Kung matatandaan, inakusahan ni Sen. Imee Marcos na ginagamit ng ilang miyembro ng Kamara ang AKAP Program para mangolekta ng pirma kaugnay sa isinusulong umanong People’s Initiative para baguhin ang 1987 Constitution.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble