NAGKAKAROON ng magkahiwalay na lugar ang mga ‘pro at anti’ sa kasagsagan ng inagurasyon ng ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas na si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Chief Police Brigadier General Leo Francisco, ito ay upang maiwasan ang posibleng away o gulo.
Dagdag pa ni Francisco, puedeng gamitin ng mga anti ang Plaza Miranda habang ang mga pro-BBM ay puedeng gumamit ng Liwasang Bonifacio.
Bukod pa sa mga lugar na ito, puede ring gamitin ang Plaza Dilao at Plaza Moriones.
Ang Liwasang Bonifacio ay may kapasidad na 5,000 katao, ang Plaza Dilao ay 1,000; ang Plaza Miranda ay 500 hanggang 700; at ang Plaza Moriones ay 500.
Aarestuhin naman ang mga manggugulo sa rally sa ilalim ng Public Assembly Act of 1985.