Mga taga-Lagonglong, Misamis Oriental nagpahayag ng suporta kay Pastor Apollo Quiboloy

Mga taga-Lagonglong, Misamis Oriental nagpahayag ng suporta kay Pastor Apollo Quiboloy

BUONG puso ang suporta at paniniwala ng mga residente sa Brgy. Kauswagan, Lagonglong, Misamis Oriental sa kakayahan ng senatorial candidate na si Pastor Apollo C. Quiboloy bilang liwanag sa gitna ng kadiliman sa gobyerno at laban sa katiwalian sa bansa.

Mainit man o maulan ang panahon sa Lagonglong, Misamis Oriental, matibay pa rin ang paniniwala ng mga mamamayan sa pagtakbo ni Pastor Quiboloy para sa kaayusan ng bansang Pilipinas.

Ayon sa isang tagasuporta:

“Naniwala ako kay Pastor Quiboloy sa kaniyang zero corruption, naniwala ako sa kanya na maayos niya ang ating Pilipinas, para manirahan tayo nang mapayapa at masaya.”

“Oo, straight vote ako sa pagboto sa PDP Laban para hindi ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Team Unity!” ayon kay Eva Ancog, avid supporter ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Mahigit isang linggo na lamang ang natitira bago ang halalan, pero ang buong suporta para kay Senator Pastor Quiboloy ay ramdam na ramdam sa Lagonglong, Misamis Oriental.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble