Mga vaccination card, lalagyan ng watermark para hindi mapeke

Mga vaccination card, lalagyan ng watermark para hindi mapeke

PINAG-AARALAN ngayon ng Bureau of Quarantine at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglalagay ng watermark sa mga vaccination card.

Sa panayam ng SMNI NEWS, sinabi ni Dr. Ted Herbosa, adviser ng National Task Force on COVID-19, layunin ng nasabing hakbang na maresolba ang pamemeke ng mga vaccination card.

“Ang DICT ay inatasan ng IATF na mag produce ng full proof na vaccination card na pwedeng gamitin not only locally pero international din para mag-travel,” ani Herbosa.

Matatandaan na maraming lugar sa bansa ang ginagawang travel requirement ang vaccination card.

Samantala, nilinaw ni Herbosa na hindi pa pinapayagan ng Department of Health (DOH) ang pag-mix ng 2 klaseng vaccines bagama’t pinag-aaralan na ito sa ibang bansa.

Ani Herbosa, posible aniyang mahirap sundan ang dahilan sakaling magkaroon ng side effects hinggil sa pagbabakuna kaya magsasagawa pa aniya ng masinsinang pag-aaral ang Pilipinas ukol dito.

(BASAHIN: Pamamahagi ng tulong sa gitna ng pandemya, marami pang paraan maliban sa community pantry —Dr. Herbosa)

SMNI NEWS