Mga War Veterans ng Davao City, binigyang-pugay sa Ika-80 Manila Liberation Anniversary

Mga War Veterans ng Davao City, binigyang-pugay sa Ika-80 Manila Liberation Anniversary

NAGPAABOT ng suporta ang Office of the Vice President (OVP) at City Government of Davao sa mga beterano ng World War II mula sa Davao City sa pagdalo nila sa 80th Manila Liberation Anniversary.

Kinatawan ng Davao City sina Florante Mallari, 99, isang dating sundalo at Philippine Scout, at Teofilo Gamutan, 101, ang pinakamatandang beterano mula sa nasabing lungsod.

Pinarangalan sila ng United States Congressional Gold Medal bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan at sakripisyo para sa bayan.

Ayon sa OVP, patuloy sila sa pagbibigay halaga sa mga beterano bilang bahagi ng pagpapahalaga sa kasaysayan at kalayaan ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble