Michelle Dee inilabas na ang single na “Reyna”

Michelle Dee inilabas na ang single na “Reyna”

MATAPOS ang kaniyang matagumpay na paglalakbay sa pageantry, binibigyang-pansin naman ngayon ni Michelle Dee ang kaniyang passion sa musika.

Proud na inanunsiyo ng singer at beauty queen na ngayong Biyernes, Marso 7, inilabas na ang kanyang latest single na “Reyna,” na agad ikinatuwa ng kaniyang mga tagahanga.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Michelle na ang kanta ay isang empowering song para sa kababaihan, kasabay ng Women’s History Month bilang pagbibigay-pugay sa kanilang halaga at kontribusyon sa lipunan.

Lubos din siyang nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng awitin, na tinawag niyang isang malaking tagumpay sa kanyang music career.

Ang “Reyna” ay available na sa lahat ng digital streaming platforms, habang ang lyric video nito ay mapapanood na sa YouTube. Ayon kay Michelle, kasunod na ipapalabas ang official music video.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble