INAASAHANG sa susunod na 24 na oras ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mga probinsya ng Mindoro, Palawan, at Antique.
Ito ay base sa pinakahuling datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) as of 11:00 am, habang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang iiral naman sa natitirang bahagi ng Western Visayas.
Kung saan, sa ilalim ng mga kondisyong ito asahan ang mga pagbaha na may kasamang pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na mataas o napakataas na madaling kapitan ng mga panganib na ito.
Samantala, muling nagpaalala sa publiko ang Public and Disaster Reduction and Management Offices na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian.
Panatalihing nakaantabay sa iba pang advisory ng PAGASA sa kanilang mga official Facebook page at website.