MMDA, namahagi ng Noche Buena items sa mga motorista sa kahabaan ng EDSA Cubao

MMDA, namahagi ng Noche Buena items sa mga motorista sa kahabaan ng EDSA Cubao

NAMAHAGI ng Noche Buena items si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes at iba pang opisyal ng ahensiya sa mga motorista sa kahabaan ng EDSA Cubao sa Quezon City, umaga ng Martes, Disyembre 19.

Bahagi ito ng kanilang ‘Treat or Ticket’ para sa mga motorista ngayong nalalapit na Kapaskuhan.

Kabilang sa mga tumanggap ng regalo mula sa MMDA ang mga natiketan na motorista dahil sa paglabag sa batas trapiko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter