MMDA, planong magdagdag ng pumping stations upang maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila

MMDA, planong magdagdag ng pumping stations upang maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila

TARGET ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng karagdagang pumping stations.

Ito ay bilang bahagi ng kanilang flood control measures.

Sa isang pahayag ng MMDA, patuloy sila sa pag-upgrade ng mga nasabing pasilidad sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga makinang may kalumaan na.

Pinag-aaralan din nilang magtayo ng karagdagang pumping stations sa Barangay Tatalon sa bahagi ng Araneta Avenue sa Quezon City.

Aminado naman ang MMDA na may iilan pang proyekto ang hindi pa natatapos.

Kung kayat nagiging dahilan ng pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila tuwing malakas ang pag-ulan.

Kaugnay nito, magsasagawa rin ang MMDA ng clean-up operations sa mga estero upang mapigilan ang pagbaha tuwing umuulan.

Follow SMNI NEWS in Twitter