Mobile kitchen ng AFP, namahagi ng 3,000 food packs sa Quezon City

NAMAHAGI Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 3,000 food packs sa pamamagitan ng kanilang mobile kitchen nitong Huwebes sa Barangay Socorro, Quezon City.

Mobile kitchen ng AFP kasama ang civillian volunteers
Mobile kitchen ng AFP kasama ang civillian volunteers sa Quezon City

Kabilang sa mga nabigyan ay mga street sweepers, pedicab drivers, at naninirahan sa iskwater na kung saan ay malapit din sa headquarters ng AFP sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay AFP chief-of-staff Gen. Cirilito Sobejana na ang mobile kitchen ay isa sa humanitarian actions ng AFP upang magbigay tulong sa mga mahihirap lalo na sa panahon ng pandemya.

Kabilang din dito ang “Kapwa ko Sagot ko” na community-based efforts ng AFP noong Marso taong 2020 o nang nagsimula ang pandemya.

Layunin nito na maibsan ang kalagayan ng mga mahihirap na pamayanan na lubhang apektado ng pandemya.

Ang mobile kitchen ay pinangunahan ng mga culinary trained na mga sundalo at mga volunteers na mga sibilyan para sa paghahanda ng mga pagkain.

Ang operasyon ng mobile kitchen ay sa ilalim ng newly-activated AFP Logistics Support Command sa pamumuno ni Brig. Gen. Fernando Felipe.

Ang proyekto ay pinagsamang gawain ng AFP Civil Relation Service, Joint Task Force-National Capital Region, at ng AFP Quartermaster General.

Maganda rin ang pagkakaorganisa ng proyekto dahil ang 7th Civil Relations Group and 11th Civil Military Operations Battalion ay nagbigay ng manpower para maging personnel.

Isa na rito ang  Quezon City Police District na nanguna sa pag-assist ng trapiko at implementasyon sa health and safety protocols habang isinasagawa ang naturang aktibidad.

Ang pagkain ay ibinigay ng AFP-DND Sojourners Club, Master in National Security Administration Regular Class 52, at ng Tanging Yaman Foundation.

Ayon kay Sobejana na ang AFP ay nagpapatuloy sa pakikipag-partner sa mga mabubuting tao, organisasyon, at kumpanya upang mapanatili ang marangal na hakbangin para sa mga mamamayan.

Inaanyayahan din nito ang mga nais mag-ambag at maging bahagi ng community kitchen ng AFP sa pamamagitan ng military resources o mga donasyon.

SMNI NEWS