Modernization Program ng BI sa mga paliparan, target masimulan sa 2024

Modernization Program ng BI sa mga paliparan, target masimulan sa 2024

ITINUTULAK ng Bureau of Immigration (BI) na masimulan na ang modernisasyon sa paliparan sa susunod na taon.

Nakabinbin pa sa Senado ang mga panukala para sa modernisasyon sa Bureau of Immigration (BI).

Gusto na ng BI na makahabol sa ibang bansa pagdating sa ginagamit na teknolohiya.

Isa sa mga target ng BI ayon kay Commissioner Norman Tansingco, ay magkaroon ng Advance Passenger Information System (API).

Sa ilalim ng sistema, maaaring agad na mapigilan ang pagbiyahe ng isang undesirable passenger.

Ayon kay Tansingco, balak din nilang dagdagan ang electronic gates sa arrival at departure area ng mga malalaking airport sa bansa gaya ng NAIA 1, 3, Cebu, Bohol, Clark, Davao, at iba pa.

Kasama na ito sa kanilang budget para sa susunod na taon.

Gusto ng BI na makabili na ng 3rd Generation E-Gates at mapalitan ang ilang manual counters.

Bahagi pa ng modernization plan ng Bureau ay ang pagkakaroon ng biometrics capturing technology.

Possible rin umano ang paggamit ng artificial intelligence sa kanilang operasyon gaya ng ginagawa sa Canada at Singapore.

Pero sakaling darating na umano ang panahon para sa AI, hindi sila gagamit ng AI para maging BI officers.

Ayon kay Tansingco, ang ibang bagay na hindi covered sa budget, maaaring hugutin sa mga service providers sa pamamagitan ng public private partnership para walang gastos sa bahagi ng gobyerno.

Pagtitiyak naman ng BI na hindi nila aalisin sa puwesto ang mga personnel na naka-assign sa mga manual counters.

Sila ay bibigyan lamang ng mga bagong trabaho o responsibilidad sa paliparan.

Kung moderno na ang mga gamit sa paliparan ayon sa BI, maiiwasan na ang kurapsiyon.

Follow SMNI NEWS on Twitter