Monster ship ng China Coast Guard, namataang nakaangkla sa Escoda Shoal

Monster ship ng China Coast Guard, namataang nakaangkla sa Escoda Shoal

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) on the West Philippine Sea ang presensiya ng monster ship ng China Coast Guard malapit sa Escoda Shoal.

Alas siyete trenta y sais, umaga ng Miyerkules nang mamataan ang CCG 5901 malapit sa Escoda Shoal.

Ito ay may layo lamang na 638 yarda mula sa port quarter ng MRRV 9701.

Wala pa namang ulat ang PCG kaugnay sa aktibidad ng nasabing barko.

Ang Escoda Shoal ay isa sa mga islang pag-aari ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter