Motor vehicle sales, mataas nitong March 2023—CAMPI

Motor vehicle sales, mataas nitong March 2023—CAMPI

INANUNSIYO ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) na aabot sa 36,880 units ang kanilang naitalang motor vehicle sales nitong March 2023.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa 29,685 units noong March 2022 at kung ikukumpara rin sa 30,305 units noong February 2023.

Commercial vehicles ang may pinakamataas na bilang ng sales; sinundan ito ng light commercial vehicles; pangatlo ang passenger cars; pang-apat ang Asian utility Vehicles (A.U.Vs); pang-lima ang light trucks at pang-6 ang mga truck at bus.

Mula dito, naniniwala silang posibleng lalagpasan na ng vehicle sales ngayong 2023 ang bilang noong pre-pandemic.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter