MPD Station 12, nagsagawa ng feeding program, lecture hinggil sa BIDA Program

MPD Station 12, nagsagawa ng feeding program, lecture hinggil sa BIDA Program

NAGSAGAWA ang Delpan Police Station-12 ng feeding program at lecture kaugnay sa BIDA Program at livelihood training (dishwashing liquid making) sa 200 na nasasakupan nito sa lugar ng Delpan.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng kakayahan at pagkakataon sa mga tao upang maging sapat ang kanilang sarili at palakasin ang ugnayan ng PNP at komunidad.

Ang nasabing programa ay inisiyatiba ni MPD Director PBGen. Arnold Thomas Cabugao Ibay, sa pakikipagtulungan ng station commander ng MPD Delpan Station 12, at mga police personnel nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble