ISANG kumpirmadong kaso ng monkeypox (Mpox) ang naitala ng Provincial Health Office (PHO) ng lalawigan ng Aurora nitong Mayo 29.
Kaugnay rito, isang Public Health Advisory laban sa nakahahawang sakit ang inilabas ng nasabing ahensiya para bigyang-babala ang mga residente ng lugar sa banta ng Mpox.
Kasalukuyan namang inoobserbahan ang mga pinaghihinalaang kaso ng sakit at ang panganib ng pagkalat nito sa komunidad.
Para maiwasan na mahawaan ng sakit, paalala ng PHO ang palagiang pagsusuot ng face mask lalo na sa mga pampublikong lugar at agad na magpakonsulta kung nakararanas ng sintomas gaya ng lagnat at pangangati ng balat.